Reco Day. Thursday.
Masaya tong araw na to. Unang una, kasi unang get together namin ng buong section to. Kaso wala si Hanna e. Sayang. Any way, ang saya rin kasi sa van namin. Kung saan saan lang napupunta yung topic. Edi super duper saya. Tapos wala pa kaming kasamang teacher, edi lalong masaya. :)) Edi yun, on the way to Sisters of Mary, medyo boring pa. Siguro inaantok pa mga katawan namin. Di ko kilala kung sino e, pero may nag-open ng topic about Ideal Crushes at Last Crush. Ayun, natripan namin. Edi inisa-isa nila kaming lahat. Chika mode! Haha. Ang daming chorva na nagsilabasan e. Mga tinatagong sikreto about boys. Diba, ang saya? Tapos may kinwento pa si Maan. Kumakain ako nun e. Sus, isingit ba naman yun?! Tapos naaalala ko pa yung billboard ni Jake. The best yun! Laki ulo e. =))) Tapos ung KTV na nakita ni Maan. Yung may wanted chu-chu. Nako, wag mo na alamin. Mwahaha. What else? Chika lang kami ng chika habang kumakain althroughout the trip all the way there. Tapos lumampas pa kami dun sa papasukan papunta dun, edi bumalik kami. Tapos, sa wakas! Andun na kami. Ang ganda! Super! Nakadungaw pa lang kami sa bintana, kitang kita mo na kagad na malinis at inaalagaan yung lugar. Grabe, tindi e. Feel ko nga kulang pa yung 550php na binayad namin sa sobrang sulit nung lugar. Hmn, pagkatapos nun, bumaba na kami sa van. Niloloko ko nga sila e. Sabi ko tour muna kami. Kaso, sabi nila T. Malou, bibigyan daw kami ng time magtour mamaya. Edi sunod naman kami. May choice ba? Joke. Haha. Pinagstay muna kami sa parang church dun tapos nagkwento si T. Tessa about sa life niya noon as a student tska nung bago siya magturo as a professional. Edi kinig naman kami. May mga parts dun na tumawa ako kasi nakakatuwa e. May mga parts na na-elibs ako. Ang galing kasi e. Biruin mo, nagtitinda sa umaga tapos sa hapon siya papasok. Meron pa, nag-aaral sa umaga tapos sa hapon magtuturo ng matatanda magbasa. Galing ano? San ka pa?! XD Tapos ayun, pinagbreak muna kami. YEAH! Gutom na naman ako e. Kahit kumain na sa van, nakakagutom e. Ang recess namin, care of the venue na. Tapos ung nakahain, saging na pinrito kasama ng harina... ata?! Di masyadong feel ng iba e. Pero ako nasarapan. Naubos ko kagad ung nasa plato ko e. Tapos tinulungan ko pa yung iba kasi parang di nila maubos e. Kaso nabusog din ako, edi di ko na naubos yung kanila. Tapos nun, tour na. Wipeee!! Sayasaya! Grabe, feel na feel ko talaga yun. Punta kami dun sa parang grotto tapos nagpicture, dun sa may puno tpos nagpicture ulit. May palaka pa nga kaming pinagtripan e. Tapos pumunta rin kami sa puntod ni Father Al. Tapos nagpicture din kami sa may part na malapit dun sa pinagkainan. Basta, maraming pictures. Tapos, pagkatapos nun, pinabalik na kami. Pinatambay muna kami dun. I wasn't really keeping a track in time kaya akala ko maaga pa rin. Mga about 10:30 or quarter to 11 ata yun. Tapos nalaman naming nandun na ung facilitator namin. Edi tuwa naman kami, kasi start na. Pero hindi pa pala. Nagkwento-kwento lang siya tska kanta-kanta. Inaliw-aliw muna kami. Mamaya pa daw kasi magsstart ung module after kumain e. Naaliw naman kami. Galing kasi kumanta ni Tito Obet eh. Tapos napansin niya yung mga tingin namin sakanya parang tipong takam na takam. Fried chicken daw sya! Haha. Tama nga, fried chicken yung ulam. Edi yun, kain na kami. May mixed veggies pa nga e. Sarap grabe, kahit di nila naapreciate yung mixed veggies, atleast ako oo. Sarap kaya! Kaso sana wala na lang peas. Eto pa yung isang masarap, yung prawn crackers. Men, I swear, ang sarap! Dami ko nakain. After namin kumain punong puno yung tiyan ko. Wait nga. Di ko alam kung sang part kami nagpunta sa museum... After lunch ba yun?! Ah, basta, ganon na yun. Nagpunta kami sa museum ni Father Al. Grabe, ang dami nyang memorabilia dun. Sobra. Kabilib na naman e. Tapos nagreco proper na... Oops! Spoiler ahead. Edi yung mga ngrecollection lang makakaalam. :P Bleh. Peace tayo. Di pwde eh. Mawawala excitement. Lol. Ah basta, alam na nyo yan. Reco. Reco. Reco. Tapos bago kami umalis dun, nagtour muna kami. Nakakatuwa sila. Todo kaway sila samin habang nasa van edi kaway naman kami. :D Tapos ang hospitable nila. Tinatanong pa nga nila YM ko e. Tapos fourth year na daw sila. E mas matangkad pa kami. Any way, ang gagaling nila gumamit ng adobe. May parang call center training pa sila. Bigtime noh?! Tapos after nung tour, sakay kami ulit sa van tapos nakita namin yung stadium nila. Laki, grabe! Tapos alis na kami. Mas matagal yung trip pauwi kasi may traffic. Kaya ang sayasaya namin. Iniisip namin na bibisitahin din namin yung boystown pero di e. Sayang! Joke. Tapos marami pa kaming nagpag-usapan, kaso secret na namin yun. Eto na nga. End ko na tong post. Kasi haba na eh. Haha. Bukas na lang siguro yung iba sa araw kong to.
Good night everyone. Thanks for reading another taglish post.